A Wee Bit Personal

A self-absorbed college student who is fond of cheesecakes.

Whitney Houston’s death did not only open the doors for the younger generation to commemorate her golden years in the Music Industry but also allowed us to see the fact that people only appreciate a person so much whenever they’re gone, when its way too late or just over.

I personally love her songs, but did not know her, as an artist. 

The Music Industry should really grieve over this loss, but I wish we do not go overboard with the grief. 

bobonemikko:

Bakit ba may mga nagsasabi na malamig ang pasko nila? Kasi walang syota na yayakap sakanila? Walang sinuman na magtetext at magsasabing sakanila na “mahal na mahal kita”? 

Ano ba ang pasko? advance celebration ng Valentines day? Ang pasko ay para kay Jesus (alam nating lahat yan) at sa ating mga pamilya. Kaya hindi requirement sa okasyon na ito ang syota at in a relationship na status sa Fb. Kung naghahanap ka ng pagmamahal sa darating na pasko, God is love naman diba? Hindi ka pa ba kuntento diyan?

I want to have an older brother.

Gusto ko ng masasabihan ng problema, tapos yung magtuturo sa akin kung ano ba ‘norm’ ng mas maaga para hindi ako naninibago ngayon. 

Gusto ko rin magkaron ng baby brother.

Para maturo ko sakanya yung mga bagay na pinagsisisihan kong gawin dati. Para hindi na maulit sa kanya yung mga nangyari sa aking hindi magaganda dati.

I love having interesting friends.

Nakakatuwa kasi na parang hindi sila stereotypical, katulad nung mga nakikita mo sa mga teenage shows. Doon kasi puro magaganda lang ang magkakasama, pare-parehas mayayaman o kaya naman varsity. But the reality is, lahat ng combinations possible. 

Kapal Kilay.

Napansin ko lang kapag makapal o itim na itim ang ng kilay ng isang lalake, may dating na kaagad. Pero pagdating sa babae, bihira lang ang magandang na makapal ang kilay, gaya nalang ni Raina Hein. 

Pero, meron namang mga lalaki na kahit makapal ang kilay, wala paring dating. Bakit? Pag hindi masyadong magaganda ang mga facial features niya gaya ng hugis ng mukha, mata, ilong o labi. Halimbawa, kung makapal ang kilay mo pero hindi gaano kagandahan ang ilong mo, walang epekto yun. 

Pero kahit ganun, malaki ang naitutulong ng kilay sa aming mga lalake. Madaming babae ang nagkakagusto sa makakapal ang kilay.

 Kaya papaano nga ba magpatubo ng buhok sa kilay?

Sa classroom.

Ako yung tipong, maingay na walang kausap masyado. Kanta ako ng kanta at pag nagerereport ako, sinusubukan ko talaga silang patawanin. Nakakaantok kaya yung tipong report lang ng report. Komportable ako sa classroom sobra. Feeling ko nga nasa bahay lang ako tuwing papasok ako. Ayun, minsan nasayaw ako. Pero most of the time, kanta lang ako ng kanta. 

Kiss me, kikikiss me infect me with your love and throw me with your poison.

Sa tuwing pinapakinggan ko yan, feel na feel ko. With matching hagod sa lalamunan.

Nagtataka ako sa mga rabbit.

Bakit cute lang sila. Wala silang special abilities. Yung mabilis na pagktakbo? Madami pa namang hayop ang mas mabilis tumakbo sakanila. Sila, pacute lang. Pero mahal na mahal ko parin ang mga rabbit kahit wala silang special abilities. 

Mother’s Day.

Tuwing linggo, nagsisimba kami. Ni-isang beses, walang araw na hindi kami nagsimba. Pero since mother’s day ngayon, malamang kakaiba ang araw na ito kumpara sa mga linggong nagsisimba kami.

Yung message ng pastor namin ay tungkol sa Compassion. Sige mamaya ishashare ko sainyo yung mga natutunan ko. Nakakamangha at nakakainspire siya actually. Pero minsan may mga parteng nakatulog ako. Kaya nag-cr ako. Ganun ako palage, nagccr pag inaantok. 

Pagkatapos nun, nagchikahan muna mga magulang ko. Tapos diretso kami sa Pesti, at nagpafamily picture kami. 7 years old palang kasi ako nung huli kaming nagpa-family pic. Nakakalungkot, ampanget ko na. Lahat ng pinagpipilian naming kuha ampangit ko. Nakakalungkot. 

Gutom na gutom na ako nun, so pumunta kami sa Ho Chai Lai. Ewan ko kung tama yung spelling, pero ok na yan, katunog naman eh. Pinakain kami ng nanay ko. Ang heavy talaga ng Chinese Food. Puro Chinese Food nalang kaya kinakainan namin. Nakakaumay. 

Masasabi kong nakakatuwa tong araw na to. Di lang kasi Mother’s Day, pero dahil narin nakapagbonding naman kami kahit papano.

Kayo? Kamusta mother’s day niyo?

Pasmado.

Sa tuwing magtatamblr ako, di na ako tumitigil kakaclick ng refresh button. O kaya di na ako tumitigil kakatype sa keyboard. Maiiwasan ko bang hindi maghugas ng kamay pagkatapos? Hindi eh. Kahit ilang beses ako pagsabihan, ganun at ganun parin ang gagawin ko: pagurin ang kamay at basain ito.

May mga ginagawa tayo na alam nating mali, pero ginagawa parin natin. Tulad na din dito sa tumblr. Parati nalang tayo nagfofollow ng mga blogs na pogi o maganda ang nasa DP. Pag pangit, pinagiisipan pa natin. Imbis na content, lumalamang ang looks. Ewan ko, pero para sa akin, mali eh. Madaming blog na magaganda, di lang pinapansin. Madaming sumusuko, naglalaho dito sa tumblr. Iba parin kasi ang feeling na may naglilike o nagfofollow sayo. 

Nakakaasar man, pero totoo. Ako nga din aminado dito eh. 

Haha. Nakakatawa.