A Wee Bit Personal

A self-absorbed college student who is fond of cheesecakes.

Upbringing.

Lahat tayo, iba’t iba ang upbringing.

Nagsimula ito noong mga bata pa tayo. Kakarampot pa lang ang ating mga hita, wala pang kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari sa mundong kinagagalawan natin. Masasabi ko, ito ang kinalakihan ko noong bata pa ako:

  • Yung parating nagdadasal bago kumain.
  • Puro babae ang kasama ko.
  • Maging pala-kaibigan.

May mga bagay na nananatiling nasa sa akin parin, tulad ng pagdarasal bago kumain at mga bagay na nawala na ng tuluyan dahil hindi napagtuunan ng pansin, gaya ng pagiging pala-kaibigan.

Malaki ang naging epekto ng upbringing ko sa kung sino ako ngayon. Gaya ng pag paligid sakin ng mga kababaihan. Ibig sabihin, ay effeminate ako ngayon. Oo, totoo yan. Pero hindi ako bading, malaki ang pinagkaiba nun ha? Di porket effeminate ang isang lalake, eh bading na.

Pero, matagal ang panahon ang lumipas bago ko matanggap ang mga bagay na ito. Madaming taon akong nainggit sa mga taong varsity ng basketball. Parati kong tinatanong sa sarili ko, bakit hindi nalang ako katulad nila, na napaka cool?

Sa ngayon, minsan ko na lang ito iniisip. Pero, dahil natanggap ko na kung sino talaga ako, natanggap ko rin na hinding hindi ako magiging katulad nila.

Sa aking kaso, malaki ang epekto ng upbringing ko sa kung sino ako ngayon. Eh ikaw? Malaki rin ba ang naging epekto nito para sa’yo? 

  1. bogartini posted this