June 2011
228 posts
2 tags
Wala akong camera.
Kahit digital camera man o SLR.
Puro webcam nalang ang gamit ko para makuhaan ng maayos ang sarili ko. Gusto ko sana magpabili ng SLR, kaso ang mahal eh. Di naman kasi kami ganun kayaman. Pero, alam ko namang may mga bagay na dapat unahin bukod doon. Kaya, oven toaster nalang with thermostat ang birthday wish ko.
Naiinggit lang talaga ako dun sa mga profile picture sa FB o dashboard pic sa...
2 tags
Hindi ipinagyayabang ang bilang ng mga naging karelasyon. Tandaan habang padami sila ng padami, padumi ka ng padumi.
1 tag
Reading.
Mahilig ako magbasa, pero hindi ako adik magbasa.
Marami akong nababasa dito sa Tumblr tungkol sa success stories. Halimbawa, yung taong hindi honors dati, ngayon ay may-ari na ng isang malaking kompanya. Samantala, yung parating honors dati, siya na yung nagtatrabaho para dun sa kompanya. Hindi ko lang matandaan kung sino at ano ang pangalan ng may-ari at nung kompanya kaya hindi ko sila...
1 tag
45. Only God knows our future.
1 tag
Isyu.
Hindi naman ata tayo tatantanan niyan eh.
Hangga’t nag-iisip ang tao at hangga’t alam ng isang tao na may handang makinig sa kanila, hindi titigil ang pagbuhos ng isyu.
Mga Paulit-ulit na isyu. Sila yung isyung hindi na namatay, gaya ng kung ano ba ang tunay na follower at TTH. Samantala, sa labas ng Tumblr, marami ring isyu, dahil hindi ako masyadong aware, ang alam ko lang isyu ay...
1 tag
Ang tamang paraan at panahon.
Minsan, alam na natin ang tamang gawin, pero nagkakamali tayo kung saan ito dapat gamitin.
Gaya na lang ng paniniwalang, dapat parati nating ilalagay ang sarili natin sa sitwasyon ng ibang tao. Gagamitin pa ba natin ang paniniwalang ito, kung dapat na nating i-tama ang pagkakamali ng kaibigan natin? Hindi na, dahil mauunahan ka ng awa eh. Sino ba naman ang taong gustong ipamukha sa kanila na mali...
2 tags
Ang laki na daw talaga ng tiyan ko.
Papano nga ba ito paliliitin.
1 tag
44. We shouldn't question God's greatness.
1 tag
Lahat naman ay maari mong maging kaibigan.
Yung lebel ng relasyon niyo lang talaga ang magiiba.
1 tag
Pangarap ko na sana pantay pantay lang talaga tayo. Pare-parehas lang naman tayong tao diba? Nagkakamali. Bakit parati nalang may mga tao na ang tingin sa sarili nila ay mas nakatataas sa iba?
1 tag
Lahat ng bagay ay dapat ginagawa sa tamang paraan at panahon.
1 tag
Seryoso ka ba?
Buti pa rito, may handang makinig sa mga seryosong bagay na sinasabi ko.
Di ko alam kung sadyang immature lang ang ilan sa mga kaibigan ko, kaya hindi nila magawang seryosohin ang bawa’t salitang bibigkasin ko sa tuwing hindi na ako nagbibiro. Kahit alam kong niloloko lang nila ako, masakit parin kasing isipin sa kabila ng pag-intindi at pagtitiis mo sa mga ugali nila, ni respeto sa...
1 tag
Yung feeling na pagka-inom mo ng softdrinks,...
3 tags
Pagmamayabang.
Meron ako nito/ganyan, eh ikaw?
Mabilis akong mainggit sa mga taong nagmamay-ari ng mga bagay na sana ay sa akin na lamang. Samantala, yung mga taong nagmamayabang ng mga bagay na hindi naman ako interesado ay nakakairita. Ano ba kasi ang pakialam ko kung ano ang meron ka?
Ako mismo, hindi ako mahilig magmayabang. Bakit? Dahil una sa lahat ayoko sa salitang mayabang. Pero, ang tanong, tama ba...
1 tag
43. Believe beyond what you see.
2 tags
Masarap lang mag plano.
Pero pagdating mismo doon sa araw na isasagawa mo ang planong yon, nakakatamad na.
Nakakapagtaka ang ganitong ugali ko. Ako lang ba, o meron ding iba kagaya ko? Totoong mahilig akong mag plano, pero kadalasan ay hindi naman kasi ito nasusunod. Mayroon kasing feeling na naibibigay ang pag plano, yung feeling na parang kontrolado mo ang mga susunod na pangyayari.
Sa totoo lang, hindi naman natin...
2 tags
Natuloy ang pagrereview ko ngayon.
Ang aga ko lang talagang natapos. Sumakit ulo ko sa radicals, na alam kong simple lang naman para sa iba. Wala talaga akong confidence sa tuwing magsasagot ako ng isang problem, kasi nakakatakot dumating sa puntong hindi mo na alam ang susunod mong gagawin para makuha ang sagot.
Pero, kaya nga ako nag-aaral para malaman ko kung ano ang kailangan kong gawin diba? Sana ay sapat nalang talaga yun.
1 tag
Sore Eyes.
Isang matibay bang dahilan para masabing kaibigan mo ang isang tao?
Hapon na nun at bumalik ako sa klasrum namin. Tila walang kamuwang muwang sa kalagayan ng mata ko. Namumula raw, at nakakalungkot man isipin, pero lahat ng kaibigan ko ay lumayo sa akin. Takot kasi silang mahawaan ng sore eyes.
Pero, sa kabila ng lahat, mayroong nagyaya sa akin na pumunta sa clinic. Hindi ko man sinabi sa...
1 tag
42. Worry is a sign of distrust to God.
2 tags
Drawing.
Namimiss ko na gawin to.
Wala na kasi akong oras. Although nung friday, gusto ko sanang mag-drawing, kaso wala yung sketchpad ko. Nasa classmate ko pala. Maarte kasi ako pagdating dito. Anyways, baka pagkatapos ng UPCAT, mag-drawing na ako ulit.
1 tag
Binabalaan na ako ng parents ko, buong araw daw kasi akong nasa harapan ng laptop ko. Anyways, alam ko naman ang priorities ko and as much as possible, ayoko talagang may mangingialam sa akin. Kaya, gagawin ko kaagad yung gusto nilang gawin ko para magtigil sila.
1 tag
Mga bagay na hindi ko maintindihan.
Kung bakit ako natambay dito sa Tumblr. Mas mahaba pa ang mga oras kung saan nakatingin lang ako sa dashboard, kaysa sa mga oras na may nagagawa akong mga posts.
Kung bakit ba kailangan may critics dito sa mundo. Yung mga critics na wala nang sinabing maganda.
Kung bakit napakaikli ng oras, para sa mga bagay na gustong gusto mong gawin. Sobrang haba naman para dun sa mga bagay na ayaw mong...
3 tags
Intimidation.
Aaminin ko, mabilis akong ma-intimidate
Meron akong kaklase, actually kaibigan ko siya. Na-iintimidate ako sa kanya. Papano ko nasabi? Dahil kung mag-criticize kasi siya ng tao, parang ang taas taas ng standards niya. Kadalasan pa naman, walang wala ako sa standards niya, lalo na sa pagsusulat. Na-intimidate tuloy ako.
Kaya, kahit kaibigan ko siya, ayokong parati ko siyang kasama. Nalulungkot...
1 tag
Pag sinabi ko ang salitang "hindi" o "ayoko"
Bakit nakokonsensya ako parati?
1 tag
2 tags
Mga bagay na tungkol sa aking sarili na matagal o...
Lahat tayo ay mayroong mga bagay na sa tingin natin ay hindi nakatutulong sa atin. Mga bagay na sana wala na lang tayo. Tapos, maghahanap ulit tayo ng bagay na gusto natin sa isang tao. Ang kalalabasan? magiging insecure ka. Gaya ko. Pero, marami na akong bagay na natanggap tungkol sa akin. Pinost ko ‘to dahil gusto kong makita kung gaano na ba ito karami. Hindi ako mahilig magbilang sa...
2 tags
Sa tuwing nakakakita ako ng gwapong baduy manamit,
Iniisip ko na sana ay ibinahagi man lang niya ang kagwapuhan niya sa akin. Ipinapangako kong gagamitin ko ito sa mas maayos na paraan.
1 tag
Build Positive Relationships.
Sa isang positibong relasyon, meron ding positibong impluwensya.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang relasyon para sa atin? Sa ngayon, ang relasyon ay isa na lamang sinulid na pilit kinokonekta ang dalawang magkaibang tao. Pero ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng relasyon? Sa isang relasyon, dapat mayroon tayong impluwensya. Hindi lang basta impluwensya, dapat ay magandang impluwensya sa...
3 tags
Ang hinihiling kong birthday gift.
Isang oven toaster.
Yung may thermostat. Alam kong medyo cheap, pero marami talaga akong magagawa don. Gaya nga ng sabi ni Kuya Kevin, basta may foil at timing, marami ka nang mababake. Sana lang talaga ay bilhan ako, pagbubutihan ko na talaga ang UPCAT. Balak kong mag-review buong buwan ng July. Sana talaga matuloy, kasi kung hindi, malamang ay hindi ako magiging handa para sa exam. Pero, di...
1 tag
41. Do not be afraid as long as God is with you.
3 tags
With the boys.
Kanina, I attended the youth worship service sa Victory Muntinlupa. I was really moved kung papano sila mag worship kay God. Talagang tumatalon sila, talagang todo taas yung kamay nila. Lahat kumakanta, at dahil dun parang na-bless ako. Nakita ko kasi kung papano mag-work si God sa lives ng mga tao. Pero, di nagtagal, parang may narealize ako.
Since, hiwalay ang boys sa girls, narealize kong...
2 tags
I love you.
Madalas ay di na angkop ang paggamit ng katagang ito.
Imbis na I like Justin Bieber or Miley Cyrus, sinasabi ng mga die hard fans ay I love Justin Bieber or Miley Cryus. Mula dito, masasabi ko na ang depenisyon ngayon sa love ay parang like na rin. Gusto mo lang, wala nang iba pang dahilan.
Pero, ano ba para sa akin ang depenisyon ng true love? Para sa akin, ang true love ay ipinakita ng walang...
1 tag
40. Decide for the benefit of others.
1 tag
1 tag
The Manila Mafia : FAQ.
“We aim for world domination, sharing our awesomeness to the world below”
That’s a joke. Serious now.
The ManilaMafia is a new block that is dual in purpose. We’re both for collaboration and meet-ups.
For collaboration, we wish to attract writers and artists who are socially and environmentally conscious or those we wish to be. We believe tumblr is a place where the youth can have its...
2 tags
Conformity.
Uso yan ngayon, lalo na sa ating society.
Kaya kung hindi ka susunod or makikiuso sa standards ng society nowadays, its either magiging outcast ka or madami kang makakaaway. Hindi ka kasi sumusunod sa agos eh. Para mas madali, pinipili nalang ng iba ang conformity. Tapos, hindi nila namamalayan ay nawawala na ng onti-onti ang kanilang mga identity.
Pero kung hindi ka papadala sa agos, malamang...
1 tag
X-Men First Class was awesome.
Parang binalikan ko yung kabataan ko, kung saan mahilig ako sa mga superpowers. Pero it didn’t end there, marami din akong natutunan about our insistence upon being accepted sa ating society.
Gusto ko ulit panuorin, pero sa sinehan naman. Haha, ewan ko ba. Basta ang ganda! Worth watching siya, kahit 2 hours. Nag-enjoy talaga ako at di ako na-bore.
1 tag
2 tags
Trivias about myself.
Huwag mong basahin kong di ka interesado sa akin, maasar ka lang.
“Much” ang tawag sa akin sa eskwelahan namin. Hindi ko alam kung bakit ito ang tawag sa akin. Kaibigan ko ata ang nagpauso nito, heto naman silang lahat gumaya.
Mahilig ako mag-mejas kapag malamig ang panahon. Teka, nung summer din pala, mahilig din ako mag-mejas. Basta naka-aircon o malamig, nagmemejas ako.
Hindi na...
1 tag
Feeling ko ang boring ko kasama.
Ako lang siguro ang nag-iisip niyan.
Napakaraming bagay ang nagagawa ng isipan natin. Maraming buhay ang naapektuhan sa bawa’t isip na nagaganap sa ating utak. Lahat naman ay nagmumula nga daw sa utak, dahil ang feelings daw ay nagmumula sa hypothalamus at hindi sa ating puso. Sabi yan ng Biology teacher namin. Kaya mali daw ang I love you from the bottom of my heart. Dapat daw, I love you...
1 tag
Pre-teen years.
Nagsimula ata ito noong 10 years old ako.
Pero, hindi ako naging nahanda para sa teenage years ko noong pre-teen pa lang ako. Bakit? Madalas ko kasing balik-balikan yung pagkabata ko noong 10 years old pa lang ako. Pati nga ngayon, ganun parin ako.
Gusto kong balikan ang pagkabata ko kasi dito ang lugar kung saan wala akong problema at kung saan wala akong pakialam sa sinasabi ng iba. Pero,...
1 tag
Maintenance.
Meron ding namang magagandang labels sa isang tao. Kahit kakaunti, dapat ay nagpapasalamat tayo dito. Halimbawa, ang label na good boy or girl sa klase ay magandang label diba?
Ano ba ang maari nating gawin para makakuha at mai-maintain ang magandang label gaya nito?
Huwag mag-overthink, huwag isipin masyado ang mga labels. Hindi naman kasi ikaw ang maglalabel sa sarili mo, ibang tao ang...
1 tag
Stop studying, start learning.
2 tags
1 tag
Di ko lang alam kung papaano ko susulitin ang araw...
Pero naisip ko lang, karamihan ng masasayang araw ay hindi planado.
2 tags
Cinnamon Rolls.
Nakakainggit.
Gusto ko ring gumawa ng Cinnamon Rolls. Kaso walang saksakan yung oven namin. Tsaka, ilang taon na rin hindi ginagamit yun eh. Pwede kayang sa oven toaster gumawa ng Cinnamon Rolls? Naku, baka masunog naman.
Marami akong gustong lutuin na hindi ko magawa dahil hindi magamit ang oven namin. Baka naiinggit lang talaga ako kay Giada De Laurentiis.
1 tag
39. Always thank God for everything.
3 tags
Shotgun, Armalite, at may BOGA pa.
Iyan ang mga armas natin sa exam kapag gipit at sabaw na sabaw tayo sa pagsagot ng mga tanong na hindi tayo sigurado kung tinuro ba ito sa atin or inaral natin.
SHOTGUN - Kapag walang-wala ka talagang mailagay, ito ang armas na dalhin mo sa panahong gipit ka sa oras o di ka talaga nag-aral. Pag puno ang bala mo jan paniguradong may free time ka pa after makipagbarilan sa papel.
ARMALITE - Ito...
1 tag
Sabi sa akin, kung sa school daw ay gamit ang tingin sa akin. Hahayaan ko pa bang pati sa Tumblr ay magpapagamit ako?
Nagiging gamit ba ang isang tao sa tuwing ginagawa nito ang isang bagay na labag sa kalooban niya? Sa tingin ko naman ay hindi. Nagiging gamit lang ang isang tao kung gagawin niya ang mga maling bagay na inuutos sa kanya.
Hindi naman masama maging gamit para sa ikasasaya o...