May 2011
345 posts
1 tag
Di ko talaga maintindihan kung bakit di ata makakaligo ang mga babae kapag wala silang conditioner. Parati nalang ako pinabibili ng CreamSilk sa baba para lang bumili ng isa o dalawang sachet nito. Hindi ba pwedeng shampoo na lang?
3 tags
P.E Shirt.
Tuwing Foundation Week dito sa school namin, maraming mga palaro. Sumasali naman ako. May mga basaan, takbuhan at marami pang iba. Masaya mag celebrate ng Foundation Week, andami kasing nangyayari at higit sa lahat, walang klase.
Pero, sa bawa’t saya na natatamo namin, maraming P.E Shirt ang nawawala. Basaan nga kasi yung laro, tapos isasampay namin yung mga P.E shirt namin dun sa mga...
3 tags
Si Tatoy.
Siya yung bibe. Joke, siya yung nasa right side of the picture.
Nakatira siya sa Bigain, San Jose, Batangas. Ramdam na ramdam mo talagang probinsya doon dahil nung huling punta namin, wala pang konkretong daan at napakarami paring puno doon. Maraming mga hayop dun gaya ng bibe, baboy at kambing. Nakatira siya sa isang kahoy na bahay, na tinirahan din ng nanay ko noong bata pa siya. Malaki yun...
5 tags
A wee bit personal.: S.H.O.M.B.A. →
Simpleng High school Officers May Bagong Ambisyon.
Haha, party list ko yan last year. Alam ko may pagka-korni pero halos lahat nanalo sa party namin. Di ako kasama dun. Nakakalungkot nga eh, kasi sabi nila, nung campaign daw, parang di ako masya or nakakatawa. Eh kasi naman, yung kalaban ko varsity. So super sikat siya at madaming may idol dun! Galing kasi mag basketball. So, parang yan yung...
3 tags
Ang Epekto ng Pera sa Jollibee.
Nung bata ako, masaya ako sa tuwing kakain kami sa Jollibee. Masaya ako sa tuwing matitikman ko nanaman ang Chicken Joy na may malutong na balat sa ibabaw ng napaka juicy na laman. Isama mo pa yung napaka sarap na Jolly Spaghetti. Pati narin yung napakalamig at rich na Chocolate Sundae. Tatlo lang yan sa napakaraming pagkain na gusto kong kainin dito sa famous na fast food chain na ito.
Pero...
3 tags
Habang kinakain ko yung CDO Meatloaf.
Ate: Ang lambot! Lasang baby!
Ako: Nakatikim ka na ba ng baby?
Ate: Hindi, pero ang lambot kasi. Imagine, si Ten-ten yan (cute baby at kapitbahay namin) tapos nung ipinanganak daw siya, may naputol na parte ng katawan niya. Tapos tinadtad.
Naumay tuloy ako. Ang cute-cute kasi nung batang yun eh. Teka, totoo nga ba yun? Yung maling gawa daw sa baby?
1 tag
RF: Di ako nagtetext sa cellphone ko.
Di na rin ako nagpapaload. Finoflood ako ng 2474, nakakairita lang.
3 tags
1 tag
11. We should always speak whenever we are hurt.
2 tags
Rebloggers at Bloggers.
Dito nahahati ang mga tao dito sa Tumblr. Magkaiba sila ng mundo, magkaiba ang mood ng dashboard. Inaamin ko, dati reblogger ako. Lahat din ng finofollow ko ay ganun. Iba ang aura ng dash ko nun. Napaka bilis pero puro tingin lang ang ginagawa ko nun tapos pipindutin ang like button. Kung baga, di ko nakikita ang tao sa likod ng mga posts na yun.
Di katulad ngayon, ibang-iba ang aura ng dash ko....
2 tags
Grade 5 Memories.
Gusto ko lang magkwento tungkol sa mga kaklase ko nung grade 5. By the way, sa Jesus The Risen Savior School nga pala ako nag-aral ng elementary. Grumaduate ako dun na Valedictorian. Na bale wala din naman pagdating ko ng highschool, kaya chos lang.
Grade 5 ako nagsimulang magkaron ng lovelife. Ay, di pala tungkol sa akin to. Tungkol pala ito sa mga kaklase kong napaka lalandi. Haha, oo. Malandi...
1 tag
3 tags
First Days.
Malapit na ang pasukan. Onti-onti ko nanaman na nararamdaman ang pagkaitan ng tulog at onti-onti ko na nararamdaman ang di kaaya-ayang aura ng school namin. Mamimiss ko ang Tumblr. Pero masarap naman sa feeling ang gumawa ng ibang bagay bukod sa pag blog. Kagaya kanina, kakasulat ko lang sa Manila paper, para sa report ng Tatay ko. Oo, nag-aaral siya. Masteral ata, sa PLM.
Gusto ko lang naman...
4 tags
RF: Ayoko ang nagsusulat ng report sa Manila...
Dahil di ako pantay mag-sulat. Tapos makikita ko yung iba, ang gaganda tignan mula sa blackboard yung mga sinulat nila sa Manila paper. Nakakalungkot.
2 tags
The Filipino Subject.
Napansin ko lang, kadalasan hindi namin natatapos ang bawa’t librong Pilipino na dumadaan sa amin. Mapa tungkol man ito sa grammar o tungkol sa mga kwento gaya ng Ibong Adarna o Noli Me Tangere, wala kaming natapos ni isa. Bakit kaya? Bakit pagdating sa Pilipino, madalas natin ibalewala ang subject na ito? Dahil ba naniniwala tayo na, wika naman natin ‘to eh, di naman masyadong...
1 tag
Canned Goods.
Saan nga ba nagsimula ang mga delatang pagkain nating binibili sa mga sari-sari store? Saan nga ba nagmula ang mga brand katulad ng 555, Century Tuna o kaya naman Wow Ulam? Kung gusto mong malaman, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, pero kung di mo gusto, maari mo nang ilihis ang pansin mo rito at magpatuloy sa pagscroll ng dashboard mo.
Ang konsepto ng canned goods ay natuklasan noong 18th century sa...
2 tags
Pinapanuod namin ang music video na Poker Face. Matagal na ito.
Ate: Sino yan?
Ako: Si Lady Gaga.
Ate: Ang conservative naman niya.
Si Lady Gaga, conservative?
2 tags
Make-up.
Maybelline, Ever Bilena o L’Oreal man, bibilhin ‘to ng hindi man lahat, pero karamihan sa mga kababaihan para gumanda sila sa paningin ng karamihan. Ang ama ko, parati binabatikos ang mga babaeng tone-tonelada kung mag make-up. Naniniwala kasi siya sa salitang Natural Beauty.
Bilang depensa sa kapwa niya babae, sabi ng ate ko na kaya lang daw naman sila nag gaganito dahil gusto nila...
4 tags
3 tags
Tumblr Death: Deactivation nga ba?
Lahat tayo ay namamatay at makakalimutan ng marami. Pag namatay tayo, hindi na tayo pwedeng umalis from our grave at mabuhay ng normal. Maraming limitations ang death dito sa mundo. Pag namatay ka na, that marks the end of your journey.
Pagdating sa Tumblr, pag deactivated na ba ang account mo, ibig sabihin ba nun ay patay na ang blog mo or hindi ka na pwedeng mag-blog ulit? For me, Hindi. Bakit?...